Law School Memoirs

(Here’s a list of experiences one goes through before becoming a lawyer, posted by G.M.Francisco at the Forum. Sure left a smile on my face.)

Law School Memoirs
Mga Di Malimutang Karanasan Bago Naging ATTY

1. Graded recitation araw-araw, sa lahat ng subjects.

2. Pag late ka, siguradong matatawag ka sa graded recitation.

3. Pag di ka pumasok at natawag ka sa graded recitation, “0” ang grade mo.

4. Pag pumasok ka at di ka nakasagot, “0” pa din ang grade mo.

5. Pag di ka nakapagbasa ng assigned cases, mas mabuti pang di ka na pumasok kasi “0” na nga grade mo, mapapahiya ka pa sa crush mo.

6. Yung mga masyadong magaling sumagot, kina-ba-badtripan ng buong klase at hindi pinapahiram ng mga kaso.

7. Lahat ng exam, essay.

8. Pag pangit sulat mo, hindi na babasahin ng prof, ang exam mo at siguradong bagsak ka.

9. Bawal gumamit ng ibang kulay ng pen sa pagsagot bukod sa black at blue. Violet pa naman ang favorite color ko.

10. Sa exam, nasa loob ng sealed envelop ang pangalan mo. Pag sinulat mo ang pangalan mo sa exam booklet, siguradong bagsak ka.

11. Pag maikli sagot mo, mababa ang score mo, pag masyadong mahaba, mababa pa rin ang score mo.

12. Sa exam, kung alin ang hindi mo nabasa, yun ang itatanong.

13. Pag lumabas ka sa corridor during exam week, uubuhin ka sa kapal ng usok ng mga nag yo-yosi.

14. Ang dugo ng isang law student ay kulay kape.

15. Sa bar exam review class, wag kang masyadong maingay, kasi magigising yung mga katabi mong mahimbing ang tulog.

16. Mas masarap manood ng sine kesa mag-attend ng review class.

17. Pag lahat ng naririnig mo sa review class ay hindi mo pa nabasa o napag-aralan, kabahan ka na.

18. Maraming cute sa review class kaya masarap umattend…. Kung walang magandang sine.

19. Maraming nag-b-break na mag bf/gf pag review na…kasi nga maraming cute sa review class.

20. Pag naiisip mong lokohin ang gf/bf mo habang nag-re-review ka, magkaroon ka nag takot sa karma.

21. Lahat ng kumukuha ng bar, nagiging relihiyoso/relihiyosa

22. Kung malinaw ang mata mo, bago mag-review, siguradong lalabo. Kung Malabo na ang mata mo bago mag-review, lalong lalabo… halos mabubulag ka na.

23. Sa gabi bago ang unang araw ng bar exam, hindi ka makakatulog.

24. Sa exam room sa La Salle, halos lahat ng tao ay maputla.

25. Kahit alam mo ang sagot sa unang tanong, siguradong hindi mo kaagad ito masasagot. Maninigas ang mga daliri mo at feeling mo hindi ka marunong magsulat.

26. Pag naisulat mo na ang sagot mo, tsaka mo maiisip na mali ito.

27. Sa exam, kahit masarap ang baon mong pagkain, pag kinain mo na parang walang lasa.

28. Sa last Sunday ng bar, parang wala ka nang lakas at gusto mo na lang matapos ang lahat.

29. Magkakaroon ka nang maraming nightmares sa anim na buwan na paghihintay ng exam results. Minsan, pakiramdam mo, ma-pa-praning ka na.

30. Paglabas ng results at nalaman mong ATTY. ka na, mag-ta-transform ka, at kahit di ka kagandahan/kagwapuhan… biglang aaliwalas ang itsura mo at magkakaroon ka nang konting personality. Ipagmamalaki ka nang lahat ng kamag-anak mo, pati yung mga hindi mo masyadong ka-close at magpapalagay ng streamer sa baranggay at opisina ninyo. Gagastusan ng pamilya mo ang damit mong pang-oath taking at lahat gustong sumama, kahit na sa may labas lang sila.

Maraming magpapalibre sayo at kahit kuripot ka, feeling mo, OK lang.

Article written by

4 Responses

  1. legisknight
    legisknight at | | Reply

    Napangiti ako when I read this blog.. Galing! I experienced all of these when I’m still studying law, reviewing for the bar and after passing the bar. Studying law is such a wonderful and memorable experience.

  2. krystal cooliit
    krystal cooliit at | | Reply

    i love it! totoo po eto.. hahah….

  3. krystal cooliit
    krystal cooliit at | | Reply

    pa copy po…

  4. Bar Exam Review
    Bar Exam Review at | | Reply

    “29. Magkakaroon ka nang maraming nightmares sa anim na buwan na paghihintay ng exam results. Minsan, pakiramdam mo, ma-pa-praning ka na.”

    :)

Please comment with your real name using good manners.

Leave a Reply